Nakiisa ang Office of the Vice Mayor, Quezon City Public Library, City Accounting Department, at QC Christian Organization of Employees sa selebrasyon ng 2026 National Bible Month sa QC M.I.C.E. Center, na dinaluhan ng mga empleyado ng City Hall.
Sa temang “God’s Word Brings L.I.F.E. (Love, Integrity, Faith, Engagement) to Our Hearts and to Our Homes,” layon nitong patibayin ang pananampalataya at hubugin ang mabuting asal ng mga lingkod-bayan para maging gabay sa tapat na serbisyo at magsilbing katuwang sa paglaban sa korapsyon.
Binigyang-diin naman ang pagbibigay puwang sa araw-araw para isabuhay ang mga aral sa Bibliya.
Aktibong nakibahagi ang mga kawani sa worship performances at pagbabahagi ng mensahe ni Pastor Paul De Vera, habang sama-samang nagninilay.
Pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto ang pagdiriwang, katuwang sina QCPL OIC Mariza Chico at City Accountant Ruby Manangu.








