Nagtipon ang mga education stakeholders sa Metro Manila para sa Regional Assembly of Education Leaders ng Department of Education-NCR.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng isang education governance na nakasentro sa kapakanan ng bawat mag-aaral upang patuloy na maiangat ang antas ng edukasyon sa bansa.
Ibinida ni Mayor Joy ang ilan sa mga inisyatiba ng QC para sa edukasyon tulad ng mas pinadaling proseso para sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga paaralan, paglaan ng 15% city budget para sa edukasyon, at pinalakas na suporta para sa mga guro.
Kasama rin sa pagtitipon sina DepEd NCR OIC, Assistant Regional Director Rita E. Riddle, QC SDS Carleen Sedilla, health advocate na si Dr. Tony Leachon, at mga schools division superintendents ng NCR.








