Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ipinamalas ng Quezon City ang husay sa 2026 Regional Schools Press Conference na ginanap sa Las Piñas City mula Marso 10–14, 2026. ![]()
![]()
Sa harap ng iba-ibang delegasyon sa NCR, nanguna ang QC bilang Overall Champion sa School Publications sa pinagsamang Elementary at Secondary categories.
Bukod dito, limang mag-aaral mula sa iba-ibang paaralan sa Quezon City ang napiling kumatawan sa NCR sa National Schools Press Conference na gaganapin sa Ormoc City.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon ng ating mga batang mamamahayag, publikasyon, at mga tagapayo sa pagtataguyod ng katotohanan at responsableng pamamahayag.








