QC SUPPORTS LOCAL DESIGNERS! ![]()
Isa-isang rumampa sa entablado ang mga modelo suot ang upcycled materials na gawa ng QCitizen designers sa 2026 Retashow: QC’s Catwalk to Sustainability sa SM Fairview kahapon.
Ang tema ngayong taon ay “Twinning,” na nagbigay-diin sa pagkakaisa at shared responsibility ng bawat isa sa pangangalaga sa kalikasan.
Itinanghal bilang winners at nakatanggap ng P70,000 cash prizes sina:
– Niño Casiwan ng Barangay Nagkaisang Nayon
– Ron Renigado ng Barangay Commonwealth
– Prince Charles Galang ng Barangay Novaliches Proper
Nagsilbing hurado sa patimpalak sina Prince Jimdel Ventura, Avel Bacudio, at Dr. Julius Leano Jr.
Bahagi ng programa ang nakakakilig na musical performance ni Amiel Sol.
Dumalo sa programa sina Mayor Joy Belmonte, Councilor Doray Delarmente, Chief of Staff Rowena Macatao, Action Officer William Bawag, SM Fairview Mall Manager Vincent Chua, Belinda Bartolome at Chris Coquia ng SM Supermalls, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, at QC Department heads.










