Gatas para sa kalusugan at matalas na kaisipan!![]()
![]()
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa kick-off ceremony ng 2026 School-Based Feeding Program – Milk Component sa Quirino Elementary School para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 1.
Layunin ng programa na makatulong sa paglaban sa malnutrisyon at suportahan ang kalusuguan ng mga bata sa pamamagitan ng locally sourced milk.
Kasama sa aktibidad sina Office of the Cabinet Secretary Usec. Odilon Pasaraba, DepEd Usec. MJ Verzosa, at DA–National Dairy Authority (NDA) Administrator Atty. Marcus Antonius Andaya.
Masayang nakilala rin ng mga bata si Ate Moo, ang cute na cute na mascot ng NDA! ![]()
Hinihikayat ang mga magulang na ugaliing isama ang gatas sa pang-araw-araw na pagkain ng kanilang mga anak.










