Sa Quezon City, sinisiguro na bawat programa ay inklusibo at naaayon sa mga pangangailangan ng bawat QCitizen!
Nasa 300 women and girls with disabilities ang nakiisa sa paggunita ng lungsod sa 2026 Women with Disability Day kahapon.
Sa seminar na may temang “Landas ng Makabagong Babaylan: Pantay, Inklusibo, at Lahat May Kakayahan,” tinalakay ang iba-ibang isyu at concern ng women and girls with disability partikular sa Reproductive Rights and Health at Inclusive Disaster Preparedness and Fire Safety Training.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung paano sinisiguro ng lokal na pamahalaan na nakakamit ng vulnerable sector ang mga programang nakatuon sa pangangalaga ng kanilang kalusugan at pangkalahatang kapakanan.
Mayroong komprehensibong health services para sa mga kababaihan sa mga health center, at libreng health care at family planning services.
Tinitiyak din na maalam ang persons with disabilities sa mga hakbang para protektahan ang kanilang sarili at pamilya sa panahon ng sakuna.










