Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsilbing guest of honor at keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa 20th grand opening ceremony ng Inter-School Academic and Athletic League (ISAAL) na idinaos sa NOVADECI Convention Center ngayong Sabado.
Para kay Mayor Joy, importante ang patuloy na investment ng lungsod sa sports at academic programs upang malinang ang kakayanan ng bawat kabataang QCitizens bilang suporta sa kanilang maliwanag na kinabukasan.
Ipinamalas din ng mga estudyante mula sa iba-ibang paaralan ang kani-kanilang galing at talento sa pag-awit at pagsayaw.










