Lubos ang pasasalamat ni Mayor Joy Belmonte sa paghirang sa kanya bilang Gandingan ng Kalikasan sa ika-20 UP ComBroadSoc Gandingan Awards na ginanap sa University of the Philippines Los Baños, Laguna.
Ang tropeo ay nagsisilbing pagkilala sa kanyang patuloy na pagsusulong ng sustainability programs sa QC.
Tatlo namang communication campaigns ng QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ang pinarangalan sa Gandingan Awards:
– LoveLaban sa Diliman Pride Month Celebration bilang Most Development-Oriented Gender Transformative Program
– Special Report: Model Barangays bilang Most Development-Oriented Short-Form Video Series
– May Forever sa QC: Sakay sa Electric Bus bilang Most Development-Oriented Photograph/Photo Story
Makakaasa ang QCitizens na patuloy ang lokal na pamahalaan ss paghahatid ng makabuluhang impormasyon, makabago at inklusibong mga programa.







