Sama-sama nating gunitain ang ika-212 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino, ang Ina ng Katipunan at Ina ng Rebolusyunaryong Pilipino.
Sa kabila ng panganib, matapang niyang tinulungan at kinalinga ang mga katipunero noong panahon ng kastila.
Nawa’y maging inspirasyon natin si Tandang Sora sa kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino.
