Pagkilala sa natatanging kababaihan! ![]()
Nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, kasama sina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, mga konsehal, at ang Barangay Tandang Sora Council, bilang paggunita sa ika-214 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino.
Nakiisa rin sa seremonya sina City Administrator Michael Victor Alimurung, mga opisyal ng pamahalaang lungsod, at mga kamag-anak at apo ni Tandang Sora.
Kasabay ng paggunita, pinarangalan si Gng. Felicite Jean Gonzales bilang 2026 Gawad Tandang Sora Awardee para sa kanyang adbokasiya sa Persons with Disabilities (PWDs) at sa pagtatatag ng Philippine Association for Citizens with Developmental and Learning Disabilities, Inc. (PACDLD).
Layon ng organisasyon na magbigay ng impormasyon, counseling, at referral services para sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang may kapansanan.
Kinilala si Gng. Gonzales dahil sa kanyang hindi matatawarang dedikasyon sa pagtaguyod ng kapakanan at dignidad ng mga kabataang may kapansanan.
Ang Gawad Tandang Sora ay pagkilala sa mga natatanging kababaihang naging ehemplo at nagpamalas ng mga pagpapahalaga ng naturang bayani –ang malasakit, katapangan, at paglilingkod sa bayan.










