Iba ang galing ng #KabataangQC!

Wagi ang mga mag-aaral mula sa dalawang paaralan sa Quezon City sa ginanap na 21st Philippine Robotics Olympiad.

Nasungkit ng Betty Go Belmonte Elementary School Team A ang 1st place sa 21st Philippine Robotics Olympiad Elementary level habang nakuha naman ng Team B ang 3rd place.

Champion din sa Open Category “Future Innovators” Elementary level ang P6 Sci-Pi Robotics Team mula sa Project 6 Elementary School.

Ang Team A ng Betty Go Belmonte ES at P6 Sci-Pi Robotics Team ng Poject 6 ES ay kabilang sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping World Robotics Olympiad sa Dortmund, Germany ngayong November 17-19, 2022.

Mula sa Quezon City Government,

congratulations and we are proud of you!