Kilalanin ang mga natatanging QCitizen na pinarangalan sa 22nd Manuel L. Quezon Gawad Parangal!
Limang indibidwal at isang grupo ang tumanggap ng tropeo ng Makabagong Gawad Parangal, habang 127 city government employees ang service awardees at apat na centenarian ang kinilala, sa awarding ceremony na ginanap sa MICE Center.
Kabilang sa mga awardees sina:
– Dr. Herdee Gloriane Luna na nagtatag ng ACT Now Plus na tumutugon sa breast at cervical cancer sa mga komunidad
– Autism Society Philippines na nagsusulong ng isang bukas at inklusibong pamayanan lalo na para sa mga indibidwal sa autism sector
– Maria Elena Ruiz na siyang naglunsad ng ecological solid waste management sa Barangay Blue Ridge B
– Edilberto Palacio, pinuno ng board of directors ng Holy Spirit TODA na nagsulong community resilience at tumulong sa mga tricycle driver na lubhang naapektuhan ng pandemya
– Dr. Benito Pacheco na isa sa mga pangunahing nagsulong at nag-lobby ng pagsasabatas ng Philippine Building Act
– Dr. Alex Brillantes Jr. na kilala bilang tagapagtaguyod ng good governance at responsive public administration sa mga opisyal sa pamamagitan ng trainings at capacity building workshops.
Sa unang pagkakataon, binigyang-pugay ang 127 na kawani ng lokal na pamahalaan na nag-alay ng mahigit apat na dekada ng kanilang buhay para mapaglingkuran at maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Lungsod Quezon.
Ang mga centenarian naman, binigyan ng pagkilala at incentives dahil sa kanilang naging kontribusyon sa kaunlaran ng QC.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pagbibigay ng ‘makabagong’ Gawad Parangal trophy sa mga awardee, na dinisenyo mismo ng kilalang visual artist at Gawad Parangal 2010 awardee Toym Imao.
Ang MLQ Gawad Parangal ay ibinibigay sa mga QCitizen at mga organisasyon na nagpamalas ng pagmamahal at dedikasyon sa pagseserbisyo sa kanilang kapwa residente, at nagbigay ng malaking kontribusyon bilang suporta sa hangarin ng lungsod tungo sa isang inklusibong komunidad para sa lahat.