Kinilala ang mga natatanging QCitizen sa ginanap na 23rd Manuel L. Quezon Gawad Parangal.
Sa temang “Sama-sama sa tagumpay, tulong-tulong sa pag-unlad”, pinarangalan ang mga residenteng nagpamalas ng angking galing at dedikasyon sa pamumuno at serbisyo publiko, na naging daan sa pag-unlad ng mga mamamayan at komunidad.
Narito ang awardees ng 23rd MLQ Gawad Parangal:
HUMAN AND SOCIAL SERVICES
Ms Lorelei Vinluan – nagsulong ng mental health education sa persons with disabilities, mga kababaihan, at marginalized sector.
Kuya Center for Street Children – nagsisilbing tahanan na kumakalinga sa children in street situations.
Mr. Gerald Piad (Special Award) – ang innovator sa likod ng Computerized Evacuation System na nagpabuti sa disaster preparedness and response ng lungsod.
Mr. Rogelio Antonio (Special Award) – 13-time Philippine Open Champion at chess grandmaster na nagtaguyod ng watawat ng Pilipinas sa iba-ibang international chess competitions.
ENVIRONMENT AND CLIMATE CHANGE
Kagawad Arlyn Guillermo – nagtatag ng award-winning program na SANA OIL, kung saan ginagawang kapaki-pakinabang ang used cooking oil.
Partnerships for Sustainable Education – grupo ng mga paaralan, organisasyon, negosyo, at komunidad na nakatuon sa pagsusulong ng handa at resilient na kinabukasan sa pamamagitan ng sustainability education.
ECONOMIC DEVELOPMENT
Fruitas Holding Inc – QC-based food and beverage kiosk na mayroong mahigit 800 stores nationwide. Sinusuportahan nila ang Filipino-made products, at nagtataguyod ng inclusivity sa pamamagitan ng page-employ ng mga senior citizen, persons with disabilities, at mga bahagi ng marginalized sector.
URBAN DEVELOPMENT
Ar. Gerard Rey Lico – kampyon sa pagsusulong ng architectual heritage at inclusive design. Kabilang sa mga idinisenyo niya ang Tandang Sora Women’s Museum at Bahay Modernismo.
INSTITUTIONAL DEVELOPMENT
Mr. Nestie Bryal Villaviray – development worker na nagtatag ng Model Sangguniang Kabataan (SK) Network. Layon niyang paunlarin ang youth governance, at maitaguyod ang civic participation bilang isang national movement.
Philippine Children’s Medical Center, Child Neuroscience Division, Section of Neurodevelopmental Pediatrics – simula nang maitatag noong 1997, nangunguna na ang Neurodevelopmental Pediatrics sa pagkalinga sa mga batang may neurodevelopmental disabilities. Sa ngayon, aabot na sa 16,000 life-changing assessments ang nabigay ng grupo.
Bukod dito, ginawaran din ang 12 kawani ng lokal na pamahalaan na nagserbisyo sa mga QCitizen sa loob ng mahigit 40 taon:
Marian C. Orayani – City Budget Department
Imelda R. Castillo – Office of the City Treasurer
Evangeline S. Cruz – Quezon City Public Library
Marites T. Tamana – Quezon City Health Department
Celedonia F. Dedace – Quezon City General Hospital
Divina A. Villamor – Department of Engineering
Danilo N. Palentinos – Market Development and Administration Department
Orlando M. Oca – City Assessor’s Office
Luisito I. Hernandez – Office of the City Prosecutor
Milagros B. Mallannao – Office of the City Prosecutor
Mercedita D. Belarmino – Metropolitan Trial Court
Asuncion E. Lansang – Metropolitan Trial Court
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pagbibigay ng parangal sa mga awardee, kasama ang mga konsehal at department head.
Ang Gawad Parangal ay bahagi ng selebrasyon sa 86th Founding Anniversary ng Quezon City.








