Dinaluhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang ng 25th anniversary ng Honda Prestige Traders Inc. (HPTI) at ang event nitong Safety Riding Festival 2022 para sa mga motorcycle riders sa SM Novaliches.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng road safety sa buong lungsod na parte ng kanyang adbokasiya. Hinimok din niya ang mga rider na magkaroon ng organisadong grupo at tiniyak na handa ang lokal na pamahalaan na makipag dayalogo upang matugunan ang kanilang pangangailangan para sa mas ligtas na pagbiyahe sa lungsod.
Katuwang ni Mayor Joy sa ribbon cutting ceremony ang mga kawani ng HPTI na sina Operation Head Aurico Ortiz, HPTI regional managers na sina Yieth Prades, Paul Baleda, Rico Pamplona, zone manager Fernan Lopez, Marc Zarosa ng Honda Philippines, at si Vince Chua na mall manager ng SM Novaliches.