Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang mga miyembro ng Quezon City Travel Agencies Association Inc (QCTAA) na makiisa sa pagsusulong sa QC bilang isa sa mga travel destination sa bansa!
Sa kanyang mensahe sa ika-25 anibersaryo ng QCTAA, ibinida ni Mayor Joy ang iba-ibang tourist spots at local at international events sa QC.
Binanggit din ng alkalde ang mga plano para mas paunlarin pa ang turismo, tulad ng pagtataguyod ng heritage trail tampok ang mga makasaysayang lugar sa lungsod.
Bukod kay Mayor Joy, nagsilbing panauhing pandangal si Department of Transportation Sec. Jaime Bautista.
Inilahad naman niya ang mga ginawa at ginagawang infrastructure projects gaya ng mass transport system at airports upang mas mapaunlad ang bansa lalo na ang sektor ng turismo.