Naimbitahan bilang subject matter expert on digital transformation si Business Permit and Licensing Department (BPLD) Head Margie Santos sa 26th Civil Service Commission Regional Continuing Professional Education for Human Resource Management Practitioners in Region I.

Ibinahagi ni Ms. Santos ang mga hakbang ng Quezon City Government para sa automation at digitalization ng iba-ibang serbisyo at proseso sa lungsod. Kabilang dito ang Online Business Permit Application, Automated Inspection Audit System at Automated Document Delivery System, QC Pay Easy, Market One-Stop-Shop (MOSS) system, at iba pa.

Ayon kay Ms. Santos, dahil sa automation at digitalization, nasolusyunan ang sari-saring problema gaya ng korapsyon, mahahabang pila sa pagkuha ng permits, at mga fixers na nananamantala sa mga negosyante.

+17