Idinaos sa Quezon City ang 27th French Film Festival – Feminist! na inorganisa ng Embassy of France, Alliance Française de Manille, Institut Français, Film Development Council of the Philippines, SM Supermalls, at SM Cinema.

Nakiisa sina H.E. Marie Fontanel ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia, Mayor Joy Belmonte, SPARK! Philippines Executive Director Maica Teves sa film showing ng pelikulang Mon Héroïne (My Heroine).

Personal na bumisita ang direktor na si Noémie Lefort para sa isang roundtable discussion kasama ang ilang Filipino filmmakers.

Tinalakay ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga istorya na tumatalakay sa karanasan ng mga kababaihan at angkop na representasyon nila sa pelikula at media.

Kasama sa film showing sina QCinema Film Foundation President Manet Dayrit at QC Film Development Commission Executive Director Liza Diño.

Para sa screening schedule, bisitahin ang website ng Embassy of France in Manila: https://ph.ambafrance.org/French-Film-Festival-2024…

+26