Kinilala ng Quezon City Government ang dalawang security guard sa QC Hall na nagpamalas ng katapatan sa pagganap nila sa kanilang tungkulin.

Mismong sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang nag-abot ng certificate of commendation kina SG Darwin Alicbusan at SG Alfonso Bug-os sa Flag-raising ceremony kaninang umaga.

Si Alicbusan ay nagsauli ng wallet na naglalaman ng mga ID at 5,000 pesos sa kliyente ng Social Services Development Department, habang si Bug-os naman ang nagbalik ng bag na naglalaman ng 31,000 pesos at mga importanteng dokumento sa isa sa mga bisita ng lungsod mula Cabanatuan.