Isang pagpupugay sa mga barangay! 🏆✨

Kinilala ng lokal na pamahalaan ang galing at mga napagtagumpayan ng 142 barangays sa lungsod sa nagdaang 28th Barangay Day.

Panauhing pandangal si Senador Robin Padilla na binigyang-diin ang halaga ng anti-drug and criminality efforts para sa matibay na komunidad. Ibinahagi rin nya ang mga planong pagsasaayos sa Museo de Padilla bilang isang proud na residente ng Fairview.

Ginawaran naman ng Posthumous Award si dating Punong Barangay at DILG Usec. Martin Diño na tinanggap ng kanyang pamilya.

Isa rin sa mga espesyal na panauhin si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Felicito Valmocina na dating Punong Barangay ng Holy Spirit.

Kabilang sa mga nagpakita ng kanilang suporta at nagbigay din ng mensahe sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz, at Liga ng mga Barangay President Coun. Alfredo Roxas.

Itinampok sa pagdiriwang ang mga matagal nang nagserbisyo sa kanilang barangay gaya ng 3-termer Barangay officials at Loyalty Service Awardees na nagsilbi sa loob ng 20 taon at higit pa.

Kinilala rin ang mga barangay na nagpamalas ng mahusay na serbisyo. Ilan sa mga parangal ay ang Barangay Kontra Gutom Award at Barangay Seal of Good Housekeeping.

Ang Quezon City Barangay Day ay isinasagawa sa bisa ng City Ordinance 280-1995 na nagpapahalaga sa kontribusyon ng mga barangay sa pag-unlad ng lungsod at paghahatid ng mga serbisyo sa QCitizens.

#QCBarangayDay2023

+183