HAPPY QC BARANGAY DAY! 🥳

Binigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon ang 142 barangays para sa kanilang mga best practices at mahusay na pamamahala ng kani-kanilang komunidad sa 29th Barangay Day.

Panauhing pandangal sina Senator Imee Marcos at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Sa kanilang talumpati, pinuri nina Sen. Marcos at DILG Sec. Abalos ang achievements, mga inklusibong programa, at ang tapat na pamamahala ni Mayor Joy Belmonte sa lungsod.

Unang pinarangalan sa programa ang Steering Committee na binubuo ng QC Department heads.

Sunod-sunod na tinanggap ng 142 barangay councils ang kani-kanilang awards sa ilalim ng Barangay Seal of Good Governance Housekeeping.

Wagi rin ang natatanging barangays sa Barangay Kontra Gutom 3.0 na may districts at city-wide winners, Lupon ng Tagamayapa Incentive Award, Best Practice Award, at Dangal ng Lungsod Award.

Pinangunahan ito nina Mayor Joy, Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Mike Alimurung, DILG Usec. Felicito Valmocina, Liga ng mga Barangay Pres. Coun. Mari Rodriguez, SK Federation Pres. Coun. Sami Neri, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, 22nd QC Council na pinangunahan ni Majority Floor Leader Doray Delarmente, District Action Officers, at QC Department heads.

#TayoAngQC

#QC85th

#QCBarangayDay2024

+195