Patuloy ang pag-alalay ng Quezon City Law and Order Cluster sa pagdating ng mga guro dala ang mga ballot boxes at election paraphernalia na ginamit sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Mula sa 169 polling centers sa anim na distrito, inihahatid sa QC Hall ang mga ballot boxes bago ito i-turn over sa COMELEC.
Ang bawat traditional at modern jeepney na kanilang sinakyan, may mga escorts mula sa Quezon City Police District, Traffic and Transport Management Department at Department of Public Order and Safety.