Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na 2nd Federation of the Therapeutic Communities in Asia International Conference sa Novotel Manila ngayong araw.
Tinalakay sa conference ang mga programa ng therapeutic communities para sa Persons who use Drugs (PWUDs) tulad ng pagbibigay ng makataong treatment and rehabilitation approach.
Ibinahagi naman ni Mayor Joy ang mga programa para sa kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDLs) kung saan mahigit 90% na kaso ay may kinalaman sa ilegal na droga.
Nanguna sa programa si FTCA President Martin Infante kaisa nina Dangerous Drugs Board Chairman Catalino Cuy, World Federation of Therapeutic Communities President Dr. Sushma Taylor, at United Nations Office on Drugs and Crime Country Manager Daniele Marchesi.