QC takes a stand against gambling addiction
Muling idinaos sa Quezon City ang International Conference on Responsible Gambling, na tumalakay sa mga isyu ng labis na pagsusugal at gaming addiction.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang epekto ng pagsusugal at ang mga hakbang ng QC para isulong ang responsible gambling.
Lumagda rin siya sa deklarasyong itatalaga ang Mayo bilang Problem Gambling Awareness Month, kasama ang Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of the Interior and Local Government, at iba pang sektor.
Nagpahayag ng suporta sina PAGCOR Chair Alejandro Tengco at DILG ASec. Jesi Lanete sa mga inisyatibo ng QC, lalo na sa mental at psychosocial treatment para sa mga nalulong sa pagsusugal.
Pinangunahan ng Seagulls Flock Organization ang event kasama si Jody Bechtold ng International Problem Gambling & Gaming Certification Organization.
Nagbahagi naman si Dr. Marc Potenza ng Yale ng mga bagong pananaliksik sa paggamot ng gambling addiction.




