Nakiisa ang Quezon City Government sa 2nd Philippine Creative Industries Summit ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Philippine International Convention Center (PICC) ngayong araw.
Naging kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa programa si Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO) Chief Jay Gatmaitan. Kasama ni Gatmaitan sa summit ang iba pang government officials at representatives, at mga kinatawan ng iba-ibang institusyon na bahagi ng Creative Industries.
Sa temang “Unifying Creative Agenda, Elevating Filipino Creativity,” layon ng pagtitipon na isa-isahin ang mga paraan para mapaunlad at patuloy na umangat ang Creative Industries sa bansa.