Matagumpay ang 2nd Philippine International Copyright Summit ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government!
Sa closing ceremony ng programa, naging kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon kung saan ibinahagi niya kung paano sinusuportahan ng lungsod ang creative industries.
Bilang “City of Stars”, tinitiyak ng lokal na pamahalaan na malaya ang mga artist na ipakita ang kanilang mga ideya at obra.
Itinatag din ng lungsod ang Quezon City Film Development Commission na kumikilala sa mga karapatan at nagbibigay ng platform sa mga homegrown artists. Target din ng QC na maging UNESCO Creative City of Film.
Kabilang sa mga nakiisa sa closing program sina IPOPHL Director General Atty. Rowel Barba, National Artist for Dance Alice Reyes, ang Ama ng Philippine Glass Sculpture Ramon Orlina, 2024 Yamang Isip Awardee OPM singer-songwriter Gary Valenciano, Public Affairs and Information Services (PAISD) Head Bert Apostol, at Giana Barata ng QC Tourism Department.