IN QC, WE GO, GROW, & GLOW! ![]()
![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang 2nd QC LGBTIQ+ Business Summit na may temang “Inclusive Business in the Age of Disruption” sa M.I.C.E. Center.
Layon ng summit na maglatag ng mga konkretong solusyon para sa pagkakapantay-pantay sa gitna ng mga hamon sa teknolohiya, AI, ekonomiya, at diskriminasyon.
Binigyang-diin ni Mayor Joy na ang tunay na pag-unlad ay dapat nakasentro sa pagkilala at pagtanggap sa bawat isa. Nangako rin ang Alkalde magpapatuloy ang QC sa paglikha ng mga oportunidad para sa LGBTQIA+ community.
Tinalakay sa programa ang digital transformation, artificial intelligence (AI), sustainability, good governance, inclusive leadership, at regional integration sa ASEAN.
Dumalo sa programa sina San Juan City Mayor Francis Zamora, Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, Cavite Provincial Board Member Kerby Salazar, Biñan City Culture, History, Arts, and Tourism Office head Dr. Bryan Jayson Borja, Philippine LGBT Chamber of Commerce Chair Ronn Astillas, Department of Tourism-NCR Regional Director Catherine Agustin, Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, Councilor Charm Ferrer, at QC Department heads.
Sa summit na ito, muling pinatunayan ng Lungsod Quezon na kasama ang lahat sa pag-unlad. Sa pamamagitan ng mas maraming oportunidad para sa LGBTQIA+ community, patuloy na binubuo ang isang lungsod na bukas para sa lahat.










