Upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens at mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa oras ng sakuna, nakiisa ang Lungsod Quezon sa 2nd quarter National Simultaneous Earthquake Drill 2023 ngayong araw.
Ipinamalas din ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ang kahandaan ng lungsod sa ang mga rescue scenario at iba-ibang disaster response activities para sa mga inilikas.
Ilan sa mga maagap na aksyon ng QCDRRMC ay ang fire suppression, high angle rescue, clearing of debris, alternative temporary shelter, treatment and triage facilities, distribution of hot meals, rapid damage assessment and needs analysis, management of the dead and the missing, at looting incident.