Sabay-sabay na nag-Duck, Cover, and Hold ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa ginanap na National Simultaneous Earthquake Drill sa Quezon City Hall ngayong araw.
Ang quarterly earthquake drill ay isinasagawa bilang paghahanda sa 7.2 magnitude na lindol o mas kilala sa tawag na, “The Big One”.
Patuloy naman ang pagsasanay ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga pwersa ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling ligtas ang QCitizens sa anumang sakuna.




