Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang 2nd Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance and Response Symposium na pinangasiwaan ng Quezon City Health Department (QCHD).

Layon ng symposium na talakayin ang pagpapalakas ng surveillance at response systems ng lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit at maprotektahan ang QCitizens.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ng Alkalde ang naging maagap ng tugon ng QCHD ngayong taon laban sa MPOX, Pertussis, at ang Dengue cases sa QC.

Dumalo rin sa programa sina QCHD OIC Ramona Abarquez, City Epidemiologist Rolando Cruz, Ateneo Center for Computing Competency and Research Executive Director Maria Estuar, Soon Jong Bae ng World Health Organization, at Danvic Rosadiño ng TheLoveYourself Inc.

#TayoAngQC

#QC85th

+14