Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na 2nd Quezon City STI, HIV, and AIDS Council meeting na tumalakay sa sitwasyon ng mga programang ipinapatupad sa Lungsod Quezon.

Kasama sa pulong ang presentasyon ang TransHealth Project ng TLF Share na ipinatutupad sa QC. Nagbigay din ng update ang QC Youth Development Office sa kanilang isinasagawang education campaigns at seminars para sa mga kabataang QCitizens.

Inaasahan na ring bubuksan ng lokal na pamahalaan ang ika-9 na Health Clinic na Klinika Eastwood ngayong Hunyo.

Present sa meeting ang mga council members at department heads na sina Gender and Development TWG head Janette Oviedo, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Education Affairs Unit head Maricris Veloso at Quezon City University President Dr. Theresita V. Atienza.

+14