Sumailalim sa tatlong araw na communication planning workshop ang mga miyembro ng Quezon City Program Implementation Sub-Committee on Child Labor (QC-PIC) upang mas mapaigting ang mga programa ng lungsod kontra child labor.
Sa pangunguna ng QC Public Affairs and Information Services Department (PAISD) at World Vision, nakabuo ng communication plan ang QC PIC para sa pagsusulong ng QC Helpline 122 bilang isang makabatang hotline, Zero Child Labor Campaign, at Anti- Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Iba-ibang programa at aktibidad ang binuo ng committee, na magpapalakas pa ng kampanya ng lungsod para maprotektahan ang mga kabataan mula sa exploitation at pang-aabuso.