Tatlong natatanging programa ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang nagwagi sa kauna-unahang Healthy Pilipinas Awards ng Department of Health (Philippines)
Kabilang ang lungsod Quezon sa mga local government units na kinilala dahil sa pagtataguyod ng kalusugan at pagtugon sa COVID-19.
Wagi ang GrowQC: Kasama ka sa Pag-unlad sa Pagkain, Kabuhayan at Kalusugan sa Priority Area 1: Nutrition and Physical Activity.
Panalo rin ang Camp Coordination and Camp Management Program ng QCDRRMO sa Priority Area 2: Environmental Health.
Panalo rin ang YOUR MENTAL HEALTH MATTERS: The Quezon City Community-Based Mental Health Program ng City Health Department para sa Priority Area 5: Mental Health.