PABAHAY SA QC, MAY KATUPARAN!
Isa na namang proyektong pabahay ng Lungsod Quezon ang pasinayaan ni Mayor Joy Belmonte.
Ang tatlong 3-storey buildings ng QCitizen Homes sa Barangay Bagbag ay may 54 housing units.
Nakalaan ito sa mga informal settler families at mga residenteng nakatira sa mga waterways sa QC.
Kinumusta rin ni Mayor Joy ang ilang pamilyang kasalukuyang nakatira sa QCitizen Homes upang alamin ang kanilang kalagayan.
Kasama ng Alkalde sa ribbon cutting ceremony sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 5 Action Officer William Bawag, at mga kawani ng Housing Community Development and Resettlement Department.