Mahigit 30 pamilya ang sinagip mula sa dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog at pagbagsak ng puno sa Brgy. UP Campus.

15 na pamilya ang naapektuhan ng pagbagsak ng puno habang 22 pamilya naman ang nasunugan.

Agad na nabigyan ng food packs ang mga apektadong residente habang ang iba ay pansamantalang nananatili sa mga evacuation center ng Brgy. UP Campus.