HAPPY 30TH BARANGAY DAY, QC! ![]()
Iginawad ni Mayor Joy Belmonte, katuwang si Vice Mayor Gian Sotto, ang iba-ibang awards bilang pagkilala sa best practices at mga programa ng mga barangay sa lungsod sa idinaos na 30th Barangay Day.
Sa talumpati ng Alkalde, binigyang-diin niya na tungkulin ng bawat barangay official na maging tapat at patuloy na paghusayin ang serbisyo sa publiko.
Hinirang na Dangal ng Lungsod Awardees ang mga barangay ng Commonwealth, Bagumbayan, Kamuning, Sikatuna Village, San Bartolome, Gulod, Kaligayahan, North Fairview, Sauyo, Tandang Sora, at Culiat.
Natatanging Gawad ng Huwarang Pamamahala ang Barangay Sta. Monica at Talipapa.
Nasungkit naman ang Best Practices Awards ng mga barangay ng Bagong Silangan, Blueridge, West Kamias, Sauyo, Holy Spirit, Bagumbayan, Commonwealth, San Vincente, San Bartolome, at Gulod.
Nakibahagi sa programa sina Department of the Interior and Local Government Usec. Rolando Puno, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National President Jessica Dy, Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla kasama ang QC Council, Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, at iba pang department heads.
Para sa kumpletong listahan ng mga barangay na ginawaran ng Barangay Seal of Good Housekeeping, tingnan sa link na ito: https://quezoncity.gov.ph/barangay-seal-of-good…/










