Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
HAPPY 30TH BARANGAY DAY, QC! ![]()
Iginawad nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang iba-ibang awards bilang pagkilala sa best practices at programa ng mga barangay sa lungsod sa idinaos na 30th Quezon City Barangay Day.
Sa talumpati ng Alkalde, binigyang-diin niya na tungkulin ng bawat barangay official na maging tapat at patuloy na paghusayin ang serbisyo sa publiko.
Nakibahagi sa programa sina Department of the Interior and Local Government Usec. Rolando Puno, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National President Jessica Dy, Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, at iba pang department heads.
Pagbati sa mga mahuhusay na QC barangays!









