Pinangunahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry National Capital Region (PCCI- NCR) ang 31st Metro Manila Business Conference.

Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang mga business owner at mga entrepreneur na magbukas ng negosyo sa Quezon City. Tinalakay ng alkalde ang mga benepisyo para sa mga nais mag-invest at magtayo ng negosyo sa lungsod.

Layunin ng Lokal na Pamahalaan ang mas maraming trabaho at oportunidad para sa QCitizens.

Nagsilbi naman bilang Isa sa mga panelists ng conference ang Head ng Quezon City Business Permits and Licensing Department na si Margie Santos.

Dumalo rin dito sina Malabon City Mayor Jeannie Ng-Sandoval, PCCI President Mr. George Barcelon, Small Business and Cooperatives Department Promotions Office Head Mona Yap, Local Economic and Investment Promotions Office Head Jay Gatmaitan at iba pang mga kinatawan mula sa iba ibang Lokal na Pamahalaan sa Metro Manila.

+62