WELCOME TO QC, ROME DELEGATES! 🙏

Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na Testimonial Dinner na bahagi ng aktibidad para sa 31st National Convention ng Canon Law Society of the Philippines (CLSP) sa MICE Center ng City Hall.

Ibinahagi ng Alkalde ang patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa Diocese of Cubao.

Binigyang-diin ni Mayor Joy na lalo pang magiging matibay ang ugnayan ng lungsod sa simbahan.

Bilang pasasalamat ng simbahan, ipinagkaloob sa Alkalde ang Coat of Arms ng Diocese of Cubao, tanda ng pagkilala sa kanyang walang patid at taos-pusong serbisyo sa QCitizens.

Dumalo rin sa programa sina District 4 Action Officer Zandy Zacate, mga delegado mula sa Rome na sina Rev. Msgr. Alejandro Wilfredo Bunge, Rev. Fr. Franciszek Longchamps de Bérier, at Rev. Fr. Stefan Mückl.

Kasama rin sina Rev. Fr. Ranhilio Aquino, Bishop of the Diocese of Cubao Most Rev. Bp. Elias Ayuban, CLSP President Msgr. Raul Go, Bishop Emeritus of the Diocese of Novaliches Most Rev. Bp. Antonio Tobias, at Bishop of the Diocese of Catarman Most Rev. Bp. Nolly Buco.

+37