Congratulations sa mga natatanging barangay sa Quezon City!
Sa pagdiriwang ng 31st Barangay Day, kinilala ang mga barangay na nagpakita ng dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa mga QCitizen, at nagpamalas ng good governance at quality public service sa kanilang nasasakupan.
Naging panauhing pandangal ng selebrasyon si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III. Nagbigay din ng kani-kanilang mensahe sina Mayor Joy Belmonte, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President Maria Katrina Jessica Dy, at Coun. Bong Liban bilanh kinatawan ni Vice Mayor Gian Sotto.
Dangal ng Lungsod Awardees ang Barangay Salvacion, Batasan Hills, Commonwealth, Amihan, Bagumbayan, Milagrosa, West Kamias, Kamuning, Krus na Ligas, San Vicente, Sikatuna Village, South Triangle, Greater Lagro, Gulod, Kaligayahan, Novaliches Proper, San Bartolome, Culiat, at Sauyo.
Recipient naman ng Gawad sa Huwarang Pamamahala ang Barangay Balingasa, Maharlika, Siena, Pansol, Quirino 2-A, Villa Maria Clara, Immaculate Conception, San Martin De Porres, UP Campus, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Pasong Putik, San Agustin, at Tandang Sora.
Iba-ibang barangay din ang nakatanggap ng mga pagkilala sa mga sumusunod na pamantayan:
– Financial Administration and Sustainability (45 barangays)
– Social Protection and Sensitivity (29 barangays)
– Safety, Peace and Order (25 barangays)
– Disaster Preparedness (64 barangays)
– Business Friendliness and Competitiveness (54 barangays)
– Environmental Management (76 barangays)
– Health Compliances and Responsiveness (50 barangays)
– Legislative Services (52 barangays)
– Housing Governance (36 barangays)
– Notable Best Practices (8 barangays)










