MORE AWARDS FOR QC! 🏆

Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilalang ibinigay ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP-NCR) sa lokal na pamahalaan ngayong araw.

Sa ika-32 anibersaryo ng BJMP-NCR, kinilala nito ang suporta ng Lungsod Quezon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), tulad ng “No Woman Left Behind” Program ni Mayor Joy sa QC Jail Female Dormitory (QCJFD).

Tinanggap din ni Mayor Joy ang award na iginawad sa Spark Philippines, bilang kinatawan ni Executive Director Maica Teves. Naging instrumento ang mga programa ng Spark Ph sa pagpapaunlad ng mga buhay ng PDLs sa QCJFD.

Kasama rin sa nakatanggap ng award mula sa BJMP-NCR ay ang Bernardo Social Hygiene Clinic, Quezon City University, at si Ms. Geraldine Randall, RN, mula sa Krus na Ligas Health Center.

Hinirang namang Best City Jail of the Year ang QCJFD at Best City Jail Warden of the Year si JSupt. Maria Ignacia C. Monteron (Female Dormitory Category). Ginawaran din bilang Best Quarantine Facility ang QC Jail LCC and Quarantine Facility.

Present sa programa sina Councilor Aly Medalla, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Makati Vice Mayor Monique Lagdameo, Manila City Vice Mayor Yul Servo, BJMP Chief JDir. Ruel S. Rivera, BJMP-NCR Assistant Regional Director JSsupt. Roger Antonio, Regional Chief of Directorial Staff JSupt. Emmanuel Tolentino, at Regional Director of the Jail Bureau JCSupt. Clint Tangeres.

+31