Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy 32nd Founding Anniversary, Quezon City University!
Ngayong anibersaryo ng pamantasan, pormal nang binuksan ang bagong renovate na gymnasium na magagamit nila sa iba-iba aktibidad.
Nakiisa sina Mayor Joy Belmonte at QCU President Dr. Theresita Atienza sa pagdiriwang, kasama sina Coun. Nikki Crisologo at District 5 Action Officer William Bawag.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy ang papel ng mga kabataan sa pag-unlad ng lungsod at komunidad.
Ayon pa sa alkalde, mga kabataan ang magsisimula ng pagbabago, na matagal nang nais makamit ng mga mamamayan.
Hindi magsasawa ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta at pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan para matulungan silang makamit ang kanilang mga pangarap.










