QC IS INCLUSIVE, INNOVATIVE! 🙌

Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga inklusibo at makabagong programa ng Lungsod Quezon sa 33rd National Convention ng Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP).

Ayon sa Alkalde, susi ang good governance, people’s participation, at ang digitalization ng government services sa patuloy na kaunlarang tinatamasa ng QC.

Ilan sa mga ipinagmalaki ni Mayor Joy ay ang QC Housing Program, Enhanced Local Climate Change Action Plan, QC People’s Council, Gender-Fair City Ordinance, Right to Care Card, at ang QC Bike Lane Network.

Kasama sa tinalakay ng Alkalde ang ban sa single-use plastics sa QC, Helpline 122, QC Drainage Masterplan, at ang mga bagong green at open spaces sa lungsod.

Dumalo rin sa programa sina Disaster and Risk Reduction Management Office OIC Bianca Perez, PIEP National Convention Co-Chairpersons Adolfo Encila Jr., at Atty. Apolonio Anota.

#TayoAngQC

#QC85th

+15