QC GOV’T, HALL OF FAMER! ![]()
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Hall of Fame award ng Lungsod Quezon mula sa DOF-Bureau of Local Government Finance (BLGF) dahil sa magkakasunod na Top 1 rank ng QC sa Locally Sourced Revenues (LSR) mula 2020 hanggang 2024.
Kasabay ng 38th anniversary ng BLGF, pinarangalan din bilang LSR Top 1 at Top 6 sa LSR to Total Current Operating Income para sa fiscal year 2024 ang QC.
Para kay Mayor Joy, bunga ito ng good governance at digitalization initiatives ng QC Government na layong labanan ang lahat ng uri ng kurapsyon at red tape sa lokal na pamahalaan.
Kasama ng Alkalde na tumanggap ng tatlong awards sina City Treasurer Edgar Villanueva at City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo.








