Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan sa 38th Annual Convention ng Quezon City Medical Society (QCMS) ngayong araw.
Nagbahagi si Mayor Joy Belmonte ng mensahe sa mga miyembro ng QCMS, kung saan binigyang-diin niya ang mga kasalukuyang programa ng pamahalaang lungsod para sa pagtitiyak ng kalusugan ng mga QCitizen.
Naging keynote speaker naman sa programa si Department of Health Usec. Ma. Rosario Vergeire. Kinilala rin ni Usec. Vergeire ang mga programa ng QC, kabilang ang Right to Care card.
Kasama ni Mayor Joy na dumalo sa annual convention sina Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Maria Minerva Calimag, PMA Governor for QC Region for 2023 to 2024 Dr. Michael Eugenio De Guzman, PMA Governor for QC Region for 2022 to 2023 Dr. Ma. Lilibeth Pascual-Nuguit, at QCMS President Dr. Joseph Rylan Flores.