Ngayong Araw ng Kagitingan, kinilala ng Bantayog ng mga Bayani Foundation ang mga natatanging Pilipino na naging haligi ng kanilang organisasyon sa loob ng 38 taon.
Kabilang sa 13 pinarangalan ay si dating House Speaker at former QC Mayor Feliciano “Sonny” Belmonte. Binigyan siya ng espesyal na sablay bilang pasasalamat sa kanyang suporta sa Bantayog.
Kinilala rin sina Atty. Felipe Gozon, Gloria Jopson-Kintanar, Jose “Pete” Lacaba, Albay Rep. Edcel Lagman, Carolina “Bobbie” Malay, Helen Mendoza, Artemio Panganiban, Antique former Governor Salvacion Perez, Judy Araneta-Roxas, dating Senador Rene Saguisag, dating Senador Wigberto Tañada, at Deogracias Vistan.
Pinaunlakan naman ni Mayor Joy Belmonte ang programa na ginanap sa UP Diliman University Hotel.
Ang Bantayog ng mga Bayani Foundation ay ang organisasyon na nangangalaga sa Bantayog ng mga Bayani, isang monumento na kumikilala sa kagitingan at kabayanihan ng mga martyr na tumuligsa at lumaban sa rehimeng diktadurya ni dating presidente Ferdinand Marcos Sr. mula 1972 hanggang 1986.