Sama-samang ginunita ng Pamahalaang Lungsod Quezon, National Historical Commission of the Philippines, at Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission ang ika-39 anibersaryo ng #EDSAPeoplePower Revolution ngayong araw.
Nag-alay ng bulaklak sina Mayor Joy Belmonte, NHCP Chairperson Regalado Trota Jose, Jr., HRVVMC Exec. Dir. Carmelo Victor Crisanto at ilang organisasyon bilang pag-alala sa mapayapang pagkilos tungo sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa.
Nakiisa sa seremonya ang Spirit of EDSA Foundation, Bantayog ng mga Bayani Foundation, Inc., August 21 Movement, Chino Roces Foundation, Project Gunita PH, Ateneo Martial Law Museum and Library, at Boy Scouts of the Philippines.
Nawa’y manatili sa puso at isip ng mga Pilipino ang diwa at aral ng makasaysayang EDSA People Power Revolution.




