Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang LGU Ambassador of the Year sa ginanap na 3rd Ambassador of the Year Awards, kasabay ng paglulunsad ng 4th Travel Sale Expo na inorganisa ng Global Tourism Business Association (GTBA) sa pangunguna ni GTBA President Michelle Taylan.
Pinarangalan din sa programa ang mga kinatawan ng diplomatic community na nagpahayag ng kanilang suporta sa patuloy na pagsusulong ng turismo at pagpapalakas ng ugnayang pandaigdig.
Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe sina His Excellency Shri Harsh Kumar Jain, Ambassador of India to the Philippines; His Excellency Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino, Ambassador of Malaysia to the Philippines; His Excellency Sin Saream, Ambassador of Cambodia to the Philippines.
Pinarangalan din sa seremonya ang mga natatanging kinatawan ng diplomatic corps sa pamamagitan ng Diplomatic Excellence of the Year Award, kabilang sina Ms. Victorina Hesti Dewayani, Chargé d’Affaires ad interim ng Embahada ng Indonesia sa Pilipinas, at Wallace Minn-Gan Chow, kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas.
Hinirang naman bilang Tourism Excellence Ambassador Awardee sina Department of Tourism Undersecretary Maria Rica Bueno, QC Tourism Department Head Giana Aira Barata bilang LGU Tourism Ambassador of the Year, at iba pang opisyal ng DOT.
Binigyang-pugay si Baybay City Mayor Jose Carlos Cari, kasama ang iba pang mga katuwang sa pagsusulong ng turismo.
Kaisa ang QC Government sa pagpapalakas ng turismo at kultura upang makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga QCitizen at sa buong bansa.










