Nagsilbing guest speaker si Coun. Ellie Juan sa ginanap na 3rd Basilan Women Executives and Legislators (BWEL) Convention sa Isabela City bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month.
Layunin ng programa na ma-promote ang gender equality at women’s leadership. Tinalakay rin ang mga hamong kinakaharap ng mga kababaihan at mga hakbang sa pagkakaroon ng inklusibong pamamahala.
Ibinahagi naman ni Coun. Juan ang iba-ibang programa ng Quezon City, sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte, na tumututok sa women empowerment at entrepreneurship. Gayundin ang mga programa upang mapangalagaan ang kalikasan.
Nakiisa rin sa pagtitipon si Senator Risa Hontiveros at mga kinatawan mula sa mga munisipalidad at lungsod sa Basilan Province.