Sama-samang nag-duck, cover, and hold ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga QCitizen sa ginanap na 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Iba-ibang rescue scenario ang isinagawa ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) upang maipamalas kung gaano kahanda ang lungsod sakaling dumating ang kalamidad.

Nag-deploy ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team ang QCDRRMC upang masiguro ang kaligtasan ng mga gusali bago bumalik sa kani-kanilang opisina ang mga empleyado.

Nagtayo rin ng mga pasilidad tulad ng incident command post, child-friendly space, at first aid area para sa mga “sugatan”.

+47