Nakiisa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw.
Matapos makalikas sa mga City Gov’t buildings ay sama-samang nag-duck, cover, and hold ang mga empleyado at nagtungo sa mga tukoy na evacuation areas sa loob ng compound.
Nagsagawa rin ng Damage Assessment sa mga apektadong gusali ang QC Rapid Damage Assessment and Needs Analysis Team.
Sa Triage Area naman binigyang ng atensyong medikal ang mga taong nangangailangan ng tugon.
Ang NSED ay bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan sa mga lindol at iba pang sakuna na maaring tumama sa lungsod.